XII


           Natatawang napakamot sa ulo niya si Xandro.  Ang sabi ko Xander ang pangalan ko hindi Super Xander, saka ang sabi ko paalam, hindi 'Up! Up and see you soon...!'. Napailing na lang ito nang napailing.
           Tapos nagkanya-kanya nang kwentuhan at reaction  ang mga customer ng Carenderia.
           Tinapos naman agad ni Xandro ang kanyang pagkain.  Inubos naman agad niya ang natitirang cola saka dahan-dahang tumayo at nag-umpisang bumalik sa Greener Pasture Appliance Center.
           Pagkabalik niya sa Greener Pasture Appliance Center.  Narinig niyang nagkwekwentuhan rin ang lima nilang Saleslady tungkol sa bagong-bagong balita.  Nanghihinayang sila na wala sila sa pinangyarihan ng lahat dahil gusto rin nila sanang napanood ito sa malapitan.