Google Super Zander
(Up! Up... and See you soon...!")
                                                                                            Back to Homepage                 

       "Tito Arthur asan ka na ba...ba't mo ako iniwan...sabi mo paggising natin sasakay tayo ng train papuntang Maynila...tapos ngayon asan ka na ba..." sambit ng isang nakakaawa ngunit poging-poging pitong-taong gulang na batang lalake. Nagpatuloy
sa pag-iyak at paghahanap ang bata, subalit kahit saan niya ibaling ang kanyang mga mata ay hindi niya matagpuan ang hinahanap niyang tito.  Dumami nang dumami ang mga taong dumarating para sumakay sana sa train papuntang Maynila.  Sa pagod ng bata sa kalalakad ay napaupo siya sa isang upuan at nagpatuloy  



ng kakaiyak.  Maya-maya ay may lumapit sa kanyang isang batang babae , tiningnan siya sandali at naupo sa kanyang tabi. Napansin ng batang lalake ang magandang batang babaeng tumabi sa kanya. Kaya tinanong niya ito
kung nakita ba niya ang Tito Eric niya, "Hoy bata nakita mo ba ang Tito Eric ko ha?" 
          "Hindi saka hindi ko naman kilala tito mo ah, kaya ka pala mukhang nag-aalala ay dahil hinahanap mo tito mo, naiwan ka siguro niya ano?  tanong nito.  "Sandali ano pala pangalan mo ha, ako si Althea ikaw?" tanong pa ulit nito. "Sandali, nagugutom ka ano, sigi sa iyo na itong isang hamburger ko tutal dalawa naman to eh."
           "Talaga akin na lang yan, nagugutom na rin talaga ako eh 


hindi pa kasi ako nakakapag-almusal mula kanina pagkagising ko.  Masarap ba 'yan ha, ngayon lang kasi ako makakakain niyan eh," nahihiyang pag-amin nito.
            "Talaga ngayon ka pa lang
makakakain nito, eh di sigi kain ka o sabay na tayong dalawa, " alok ng batang babae habang sinimulang kainin ang isa pang hamburger. "Hindi ka siguro inaalagaan ng tito mo kaya hindi ka pa nakakakain ng hamburger ano?"
             "Hindi mabait 'yon, inaalagaan ako noon kaya lang ang palaging ibinibigay sa akin noon ay poro ensaymada, puto, bibingka, biko, mangga at ice cream na benebenta ng mga vendors.  Salamat ha, naku ang sarap pala nito, pangmayaman siguro to no?" pansin ng batang lalake.
           


  "Parang hindi naman, maski naman mahihirap nakakain din niyan nakikita ko sa may palengke sa may amin."
             "Oy kanina ko pa napapansin bakit may mga batang nagtitinda ng mga pulang bulaklak
at mukhang marami ang gustong bumili ng mga ito ha?" tanong ng batang lalake habang patuloy sa pag-nguya.
             "Kwan kasi ngayon Valentine's Day," sagot ng natatawang batang babae.  "Siguro hindi mo na naman alam 'yon no. "
              "Ha naririnig ko na rin 'yan dati, pero hindi ko lang alam masyado kong ano ang ginagawa tuwing Valentine's Day." 
              "Naku naman sigi na nga kwan kasi 'yan araw ng mga puso, ng mga taong nagmamahalan, ganon." paliwanag nito."  Gaya ng mga magulang ko dati, pag ganitong araw binibigyan ni papa ang      


mama ng mga mapupulang rosas kasi mahal niya mama ko." 
               "Ah ganon pala 'yon, baket naman mahal ng papa mo ang mama mo ha?" tanong pa ulit nito.
               "Eywan kasi siguro dahil
mabait ang mama saka maganda pero wala na rin silang dalawa ngayon kinuha na ni Lord kaya sasama na ako kina lolo at lola papuntang America, ayon nga sila o bumibili ng ticket ng train, pupunta kasi kaming Maynila eh."
                "Eh di marami ka ring matatanggap na rosas ngayon no," sabi ng batang lalake.
                "Ha baket mo naman nasabi 'yan ha?" 
                "Sabi mo kasi pag maganda at mabait binibigyan ng rosas, kaya malamang makatanggap ka rin ng marami niyan ngayon." 
                "Ha ako maganda?" medyo nagulat na tanong ng batang babae.
      


     "Oo naman, kaya kung may pambili nga lang ako eh bibigyan kita ng marami niyan, " dagdag pa ng bata habang tinitingnan ang kausap.
                Maya-maya ay may biglang lumapit na isang malaking mama at tinanong
ang batang babae.  "Ikaw ba ang apo ng mga bumibili ng ticket ng train ha?" tanong nito sa batang babae.
                "Opo baket?" 
                "Kung ganon ikaw si Althea." biglang kinaladkad ng mama ang batang babae papalayo.  Napasigaw ang batang babae subalit agad tinakpan ng isang kamay ng mama ang kanyang bibig habang ito ay papalayo.
                Nagulat ang batang lalake sa nangyari pero agad niya itong hinabol ng hinabol at nang maabutan niya ito ay agad niya 


itong sinipa mula sa likuran.  Natumba agad ng ganon-ganon lang ang mama tapos hinatak agad ng batang lalake ang bagong kakilala papalayo sa masamang lalake.  Takot na takot pa rin ang batang babae  sa nangyari sa kanya.
 "Salamat ha mabuti na lang niligtas mo ako, saka ang galing mo naman isang sipa mo lang tumba agad ang masamang taong 'yon, nakakabilib ka naman, karatista ka siguro ano?" 
              "Hindi naman... nachambahan ko lang siguro kaya bumagsak agad nang masipa ko kanina," nahihiyang pag-amin ng batang lalake.  
              "Sino ba iyang kausap mo Althea ha, saka baket parang umiiyak ka ng kunti ha ano bang nangyari?" tanong ng kadarating na lola ng batang babae na tila walang alam sa nangyari dahil sa bilis ng pagkakaligtas na ginawa ng batang lalake.