"Naku kung nalaman ko lang na may nakitang taong lumilipad kanina lalabas talaga ako at manonood, maski sisantihin pa ako ni M'am Veronica," sabi ng isang Saleslady.
          "Ganon, pag nakita ulit si Super Xander na lumilipad sa himpapawid, subukan niyong mauna sa akin sa labas at sisante kayong lahat," mabilis na biro ni Veronica sa limang Saleslady tapos ay nilapitan si Xandro. 
          "Napanood mo ba ang balita ha Xandro?  May tao raw na nakakalipad  ang nakita dito sa Pilipinas, napakalakas daw nito at nakayang buhatin ang isang malaking bus habang lumilipad." 
           "Opo napanood ko nga sa Carenderia kangina habang kumakain ako, hindi nga ako makapaniwala eh," atubiling sagot nito.
           "Totoo talaga 'yon kasi marami ring naka-upload na video nito sa internet at talaga namang ang taas-taas ng hits at mga views