Maya-maya ay hinatak na ang bata ng kanyang ina palayo sa reporter kay naputol na ang interview ng reporter.
              Hangang-hanga ang mga kumakain sa Carenderia sa kanilang napapanood.
              Tapos muling nagpatuloy sa pagbabalita ang babaeng reporter.  "Narinig po ninyo ang pangalan daw ng pambihirang taong lumilipad ay Super Xander.  At ayon sa iba ko pang nakapanayam kanina.  Matapos daw maiabot ng guapo este ng taong lumilipad ang bata sa kanyang ina ay agad itong nagpaalam at nagbitaw ng linyang, 'Up! Up and see you soon...!  Ito po si Leslie nag-ulat para sa NewsFlash,"  pagtatapos ng babaeng reporter.


              Tapos ipinalit agad ang commercial ng Safeguard Soap.