XI
Maya-maya binuksan ng isang customer angTV sa isang sulok ng Carenderia. Pagkatapos ng commercial ng sabon ay sumingit bigla ang isang News Update mula sa isang kilalang Tv Station.
"Nandito ako ngayon para kapanayamin ang isang maswerteng batang iniligtas ng isang bagong bayani, isang taong napakalakas at nakakalipad, kaninang-kanina lamang," umpisa ng isang babaeng reporter.
Tapos ay ipinakita kaagad ang isang video na hinahabol at sinasalo ni Xander ang maliit na batang lalake habang nahuhulog ito mula sa itaas ng skyway. Kitang-kita sa video ang mabilis niyang paglipad at kung paano niya ibinaba ang malaking bus sa pamamagitan ng manipis na lubid.
Tumigil lahat ng mga customer sa kani-kanilang pagkain at