ako."
             "Oo nga sinabi mo na iyan kanina," biro nito kay Xandro.
             Pagkalabas ni Xandro, pumasok siya sa isang Carenderia sa malapit, mas sanay kasi siyang kumain sa mga ganitong lugar.  


             Pagkatapos bumili agad siya ng fried chicken, spaghetti, lumpia saka cola.  Matapos niyang makuha ang pagkain ay agad siyang pumuwesto sa isang bakanteng mesa.  Inilapag niya ang pagkain sa mesa, inilagay naman niya sa kanan ang cola.  Pagka-upo niya ay uminom muna siya ng kunting tubig, saka nag-umpisang kumain.  Nabasa niya mula sa dingding na imported chicken ang ginamit ng may-ari ng carenderia at ipirinirito ito sa cooking oil galing America saka binalutan ng masarap na pampalasa. Tinikman niya agad ito at nagustuhan niya talaga ang lasa.  Nangangalahati na siya sa kanyang pagkain.  Uminom muna siya ng paborito niyang cola.