tumutok na bigla sa bagong-bagong balita.  Manghang, mangha sila sa videong kanilang pinapanood sa Tv.  Hindi sila makapaniwalang may taong napakalakas at nakalilipad at dito pa talaga nangyari sa Pilipinas.  Ang iba sa kanila sa kanila ay nagpalakpakan sa kanilang mga nasaksihan.
          Tapos itinuloy na ang interview ng babaeng reporter sa batang sinagipip ni Xander.  "Maari bang ikwento mo sa ating mga tagapanuod ang lahat ng mga pangyayari?" tanong nito sa bata.
          "Opo, nakasakay ako at ng aking mama kasama ng maraming pasahero sa isang malaking bus at bigla itong gumewang-gewang sa ibabaw ng skyway.  Tapos bumangga ito ng malakas sa gilid ng skyway, tapos tumilapon ako mula sa aking kinauupuan palabas ng bus.  Hindi ko alam kung paano pero nakakapit ako sa bakod nito.  At pilit akong kumapit nang mahigpit na mahigpit para hindi ako mahulog.  Pero napagod ako, sumakit ang mga kamay ko sa