"Kuya Xander ang gara ng porma natin ngayon ah.  May pinopormahan ka yata sa pinagtratrabahuan mo ano," pansin ni Tonton sa bagong pinsan.
             "Ba't mo alam, siguro may pinopormahan ka rin sa school n'yo ano," sagot naman agad ni Xandro.
              "Oo si Jean," sagot naman agad ni Tonton na pinakintab ang sapatos kagabi gamit ang Shoe Liquid Wax.
              "Anong pinopormahan mo si Jean, 'di ba't alam mo namang pinopormahan ko na 'yon matagal na?" tanong ni Ron-ron.
              "Alam ko, kaya nga pinopormahan ko rin, para... hating-kapatid," natatawang biro ni Tonton. "Hindi, loko lang iba ang gusto ko no pero mukhang ayaw yata sa 'kin.  Kuripot daw kasi ako, ayaw ko daw manlibri."
               "Sigi na tama na muna 'yang kulitan niyong dalawa, kumain na kayo't nang makapasok na kayo sa school pagkatapos,"