IX
Kinaumagahan pagbaba ni Xander nadatnan niyang nakaupo na sa hapag-kainan ang kanyang Tito Eric at ang dalawang kambal. Nang mapansin siya ni Eric ay agad siyang niyayang umupo sa tabi niya, "Xander buti't gising ka na, halika umupo ka sa tabi ko at ng makapag-almusal ka na."
"Salamat po tito," sagot ni Xandro habang hinahatak ng bahagya ang upuan.
"Sandali lang at maya-maya lang ay lalabas na si Cristina para maghain ng almusal natin."