sabi ng kadarating na si Cristina dala-dala ang ham, piniritong fresh chicken, loaf bread, at cheese para sa almusal ng buong mag-anak. "O Xandro kumain kang mabuti, unang almusal niyo itong magkasama ni Eric matapos ang mahabang panahon."
              "Oo nga ano, hindi ko naisip niyan," sabi agad ni Eric.  Tapos ay ikinuha agad ni Eric si Xander ng ham saka piniritong bangus. 
               "Mawiwili pala ako dito dahil parating masarap ang almusal," sabi ni Xandro habang naglalagay ng kape sa kanyang baso.
              "Paabot nga ng gatas Tonton," utos nito sa kakambal.
              "O ayan ubusin natin ng sabay ang gatas natin, para sabay ding dagdagan ni papa ang mga baon natin.
               "Good mood ako ngayon kaya talagang dadagdagan ko