mahigpit kong pagkakakapit sa bakod ng skyway.  At nang hindi ko na matagalan ay hindi ko sinasadyang mabitiwan ang aking kinakapitan.  Tapos naramdaman kong nahuhulog ako nang mabilis pababa sa kalsada.  Takot na takot ako, kaya pumikit na lang ako.  Ilang sandali lang ay naramdaman kong may biglang sumalo sa akin, tumigil ako sa pagbagsak.  Tapos ng idinilat ko ang aking mga mata, nakakita ako ng isang tao sa aking tabi.  At laking-gulat ko nang mapansin kong lumilipad ito.  Iniligtas ako ng isang taong nakakalipad.  Hindi ako makapagsalita, tinitingnan ko lang siya habang ibinababa niya ako.  At mas nagulat pa ako nang makita kong buhat-buhat din ng kanyang kulay gintong lubid ang malaking bus na sinasakyan namin kanina.  Kaya naisip ko na ligtas din ang mama ko, tuwang-tuwa talaga ako.  Kaya nagpasalamat agad ako sa aking tagapagligtas," mahabang salaysay ng batang lalake.