siya ng sandali at maya-maya ay lumabas na galing kwarto ang tito niya na may dalang parang papel. Pagkalapit ni Eric sa kinauupuan ni Xandro ay agad niyang iniabot kay Xandro ang dala niyang lumang letrato. Pagkatanggap ay agad naman itong tiningnang mabuti ni Xandro. Napaluha siya ng kunti sa kanyang nakita, hawak-hawak niya ang kanyang lumang letrato kasama ang mommy at daddy niya. Nang magkahiwalay sila noon sa may train station ng tito niya ay poro damit lang ang laman ng bag niya. Matapos ang mga labing-apat na taon ay ngayon lang niya muling nasilayan ang mga mukha ng kanyang mga magulang. Napansin niyang medyo kahawig siya ng daddy niya at sa tantya niya ay mukhang magkasingtangkad rin sila.
"Siguro naman ay natatandaan mo pa ang letratong ito Xandro, kinunan kayo ng letrato, ikaw at ang mommy at daddy mo