nakasunod sa kanya si Xandro. "Sandali sususian ko lang ang pintuan ng bahay namin at mukhang hindi pa nga nakakauwi ang mag-iina ko."
Pagkabukas ng pinto ay agad namang pumasok ang dalawa sa loob ng madilim na bahay. "Sandali lang Xandro at bubuksan ko lang ang ilaw." Matapos ay nagliwanag agad ang buong kabahayan.
Nakita ni Xandro ang loob ng bahay ng tito niya, medyo kumpleto rin ito sa gamit. Pinaupo muna ni Eric si Xandro. "Upo ka muna riyan, sandali at may kukunin lang ako sa loob ng kwarto naming mag-asawa. Naghintay sandali si Xandro at minabuti niyang pagmasdan muli nang mabuti ang buong kabahayan. Napansin niya ang isang malaking letrato ng Tito Eric niya kasama ang dalawang batang magkamukha at isang babae. Marahil ay ito ang asawa at mga anak ng tito, naisip niya. Binuksan ni Xandro ang tv at sinubukang manood ng news sa alas sayes ng gabi. Nanood