matapos kang pabinyagan sa simbahan noon. Ibinigay ito sa akin ng daddy mo nang minsang bumisita siya sa bahay ko."
"Mabuti po't naitabi niyo ito tito, naipakita niyo na ito sa akin dati nang maliit pa ako at natatandaan ko rin na sinabi mo na mga isang-taong gulang pa lang ako noon nang kinunan ang letratong ito, pwede po bang akin na lang 'to tito, wala na po kasi akong letrato ng mommy at daddy," pakiusap nito sa tito niya.
"Para sa 'yo talaga 'yan, saka mayroon pa akong ibang copy niyan sa may album naming mag-anak," sagot nito habang umuupo sa harapan ni Xandro matapos patayin na muna ang tv.
Seryosong-seryoso itong nakatingin sa pamangkin.
"Tito ano po ba talaga ang kailangan kong malaman sa mga nangyari noon at sa sinasabi mong tungkol sa tunay kong pagkatao?"