Siguro naubusan ka na ng Closeup Toothpaste kaya andito ka para manghingi, gusto mo sigurong lalong paputiin iyang mga pangil mo no," pang-aasar nito kay Xander.
             "Naku talagang hindi ka na nga natatakot sa akin, at nakukuha mo pa nga akong asarin nang ganyan," natutuwang puna ni Xander.
             "Umuwi ka na nga sa inyo at matutulog na ako."
              "Patawarin mo na naman ako, gusto mo haranahin kita para mapatawad mo lang ako ha?"
              Hindi sumagot si Althea at sinimangutan lang ito.
              Kaya mula sa labas ng bintana ay umawit naman agad si Xander.  Kumanta siya nang kumanta dahil alam niyang gustong-gusto nang mga babae kapag kumakanta siya.  Magaling kasi talaga siyang kumanta.
               Aba ang galing pa lang kumanta ng vampirang ito ah.