nanunuod ng Tv. Pinagmasdan niya ito habang seryosong nanonood ng paborito niyang teleserye. Ang ganda-ganda talaga ng mahal ko kaya lang baka pag tinawag ko ito'y matakot na naman sa akin. Nag-aalangan si Xander na magpakita kay Althea. Biglang lumingon si Althea at nakitang nakalutang na nakatayo si Xander sa labas ng kanyang malaking bintana. Tumayo agad ito at linapitan ang bintana. Agad nitong sinimangutan si Xander at agad na hinatak ang bintang gawa sa capiz para pagsarhan si Xander.
"Mahal buti naman at mukhang hindi ka na natatakot sa akin kasi nakukuha mo na akong simangutan. Galit ka pa rin ba ha?" tanong nito kay Althea.
"Ano bang ginagawa mo riyan ha, akala mo siguro matatakot pa ako sa 'yo."
"Pwede ba kitang makausap sandali ha Althea?"
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" tanong agad nito. "