Naiinis si Althea dahil nakikita niyang nakangiti sa kanya si Xander habang hinaharana siya. Subalit hindi siya nagpahalata kaya kinuha niya ang lata ng malalaking potato chips at ibinato ito kay Xander. Ibinato ito ni Althea nang malakas subalit agad naman itong sinalo ni Xander at nginitian lang uli nito si Althea. Agad namang binuksan ni Xander ang lata ng potato chips at kinain ang laman nito na parang nang-iingit kay Althea. "Ang sarap pala nito ano, salamat ha sabi ko na nga ba mahal mo pa rin ako kahit may mga pangil ako," nakangiting biro ni Xander habang patuloy na kinakain ang potato chips.
Kinuha naman ni Althea ang isang bote ng wafer sticks at ibinato ito nang malakas kay Xander. Subalit ganon din ang ginawa ni Xander kinain lang niya ang laman nito at lalong ininggit si Althea.
Lalong nainis si Althea dahil guapong-guapo siya kay Xander habang patuloy na nginunguya ang kanyang ibinatong wafer sticks. Kaya tumalikod siya bigla at kinuha ang kanyang maliit na TV.