Binuhat niya ito at bumalik sa may bintana.  Agad niyang ibinato nang malakas ang maliit na Tv kay Xander.  Sapol, tinamaan 
ito sa katawan.  Kaya nagkunwaring nasaktan si Xander.  Nagpatihulog agad sa lupa si Xander.  Nang mapansin ito ni Althea ay agad itong sumilip sa may bintana, dumungaw siya sa labas at nakita niyang napaupo si Xander sa lupa.  Nang mapansin ni Xander si Althea, muli siyang nagkunwaring medyo namimilipit sa sakit dahil sa pagkakatama ng Tv sa katawan niya.  Agad nitong nginitian si Althea.  "Nag-aalala ka sa 'kin no, sabi ko na nga ba love mo pa rin ako."
             "Loko sinilip lang kita para buhusan ka nito.  Agad inilabas ni Althea ang Holy Water at ibinuhos kay Xander sabay sabing, "Tingnan ko kung hindi ka pa rin matuluyan nito!"
              Subalit pinagtawanan lang siya ni Xander.  "Hindi ako tinatablan niyan nagsisimba rin ako 'no.  Gusto mo samahan pa