ang mga baon niyo mga bata," sabi ni Eric habang kinukuha ang kanyang leather wallet sa bulsa ng kanyang bagong-bagong jeans.
               "Ma, ano bang inilagay mo sa lunch box namin ni Ron-ron?" tanong ni Tonton.
              "Ano pa eh di 'yong dati, sliced bread na nilagyan ko ng bacon at cheese, biscuits, saka juice.  Bumili na lang kayo sa canteen ng pang-lunch niyo, dapat may gulay din hindi poro karne na lang ha."
             "Opo," sagot ni Tonton at Ron-ron na parehong nakasuot ng magagarang relos.
             Naiwan si Cristina sa bahay na pinaganda ng napili niyang pintura.  Inihatid ni Eric gamit ang kanyang kotse ang dalawang kambal sa kanilang eskwelahan. Hindi na pumayag magpahatid si Xandro sa tito niya dahil baka ma-late pa ang kambal, magka-iba kasing direction ang pupuntahan nila.  Sumakay sa jeep si Xandro.