sa sa may pintuan, si Lynette?"
"Hindi ho napatingin lang."
"Talaga... mamayang hapon pa darating 'yon, may ipinapaasikaso kasi, malamang nakakipag-usap na ngayon 'yon sa mga suppliers natin."
"Ganon po ba."
"Maiwan ka na muna rito't marami pa akong tatawagan sa office ko."
"Sigi po M'am Veronica."
Naupong muli si Xandro sa malaking sofa at nanunood sa nakabukas na TV. Nanghihinayang siya na hindi niya agad makikita si Althea. Di bale darating din naman iyon mamaya. Ilang sandali lang, pumasok agad ang isang customer na naka itim na sunglasses at magarang puting T-shirt . Sinalubong agad ito ni Xandro, "Good morning