Marami sa mga pasahero ay nakasuot ng mamahaling T-Shirt at may leather wallet. Pagdating niya sa Veron Appliance Center, wala pa rin si Veronica at Lynette. Naupo na muna siya sandali. Maya-maya ay dumating na si Veronica. "Xandro mabuti't nandito ka na pala," sabi ni Veronica.
"Good morning po M'am Veronica," bati agad ni Xandro.
"Good morning din, siyanga pala, itong bagong cellphone sa 'yo na 'to, para matawagan kita kung may kailangan akong ipagawa sa 'yo."
"Salamat ho luma na rin kasi itong cellphone ko."
"Andyan naka-save ang company number natin, para makatawag ka agad kung saka-sakaling magkaproblema ka sa mga deliveries mo, okey."
Tingin nang tingin si Xandro sa may pintuan.
"Sino bang hinahanap mo't kanina ka pa tingin nang tingin