sir." Tinawag naman agad ni Zandro ang isang Saleslady para asikasuhin ang bagong dating na customer. Umupong muli si Xandro at tiningnan ang bagong cellphone niya habang inaasikaso naman ng Saleslady ang bagong dating na customer. Tumingin-tingin ang customer sa mga appliances, tapos nilapitan niyang isang malaking GE Refrigerator. Binuksan naman agad ito ng Saleslady para makita ang loob nito. Tapos nilapitan din nito ang isang GE Washing Machine. Ipinaliwanag agad ng Saleslady ang mga special features nito. Maya-maya lang nakita ni Xandro na binabayaran na ng customer ang mga pinamili. Tapos ay lumabas na agad ito. Tinawag naman agad si Xandro ng Saleslady para ikarga na sa Delivery van ang refrigerator at washing machine. Matapos maikarga ang mga ito sa likuran ng van, sumakay agad si Xandro sa front seat. Tapos binuksan niya ang baon niyang Zest-o at uminom. Nasarapan siya at agad nawala ang pagkauhaw nito. Napansin