renovate ko, para maging komportable naman si Xandro paglipat niya doon," natatawang biro nito sa ina.
"O paano Manang Lucy aalis na ako at lilipat na sa kabila," pabirong pananakot ni Xandro sa babae.
"Kayo talaga pinagkaisahan niyo na naman ako, o sigi na nga bukas ka na magbayad, pag hindi naku lagot ka na talaga sa akin," pagbabanta uli ni Manang Lucy habang umaalis ng bahay para mamalengke para sa kanyang tindahan na punong-puno ng mga paninda gaya ng mga pampalasa ng ulam, vinegar, soy sauce, shampoo, biscuits, sabong panlaba, hair gel, at marami pang iba. Palaging ubos ang mga paninda nito kaya maaga itong mag-grocery para hindi lumipat sa iba ang mga suki niya sa tindahan.
"Salamat naman at tinulungan niyo akong mapakiusapan si