"Saan ka ba lilipat Xandro?" sabat ni Joanna na kanina pa pala nakikinig sa dalawa habang panay ang nguya ng paborito nitong cheese flavored chips.
"At ba't mo naman tinatanong kung saan 'to lilipat ha Joanna?" nagtatakang tanong ni Aling Lucy sa babaeng boarder.
"Kasi lilipat rin kami doon, kung saan si Xandro doon din kami," patawa-tawang tugon ni Clarissa na gumamit ng mamahaling shampoo kaninang umaga.
"Hoy Xandro saan ka nga ulit lilipat ha?" tanong ng dalagang anak ni Lucy na si Angelica habang kumakagat ng pizza.
"Ba't mo tinatanong si Xandro kung saan siya lilipat anak, baket lilipat ka rin ba doon, ha?" tanong ulit ni Manang Lucy na palaging naglalagay ng baby oil sa buhok niya.
"Hindi naman, magsasama lang ako ng architect papa-