Manang Lucy, Clarissa, Angelica," pasasalamat ni Xandro sa mga kaibigan.
            "Naku wala yon, malakas ka sa amin, pag-umalis ka kasi baka tumahimik ang bahay dahil wala nang mabubungangaan si Manang Lucy at mawawalan na kami ng kaibigang pagkapogi-pogi dito sa bahay," biro ni Angelica sa kaibigan. "O ito kumuha ka nitong pizza.   Kumusta na nga pala, nakita mo na ba ang hinahanap mo ha?" tanong ni Joanna.
             "Hindi pa nga rin eh, pero makikita ko ulit 'yon balang araw," sagot ni Xandro habang nginunguya ang ibinigay na pizza ni Clarissa.  "Aalis na muna ako at maghahanap ng pambayad kay Manang Lucy bukas."
            "Sigi ingat ka Xandro," paalala ni Angelica sa binata.