niyang pinabaunan din pala siya sa kanyang maliit na bag ng sliced bread na may palamang bacon at cheese. Nagmaneho agad si Xandro, binasa niyang muli ang address ng delivery, naka-address ito sa isang bahay sa isang malaking subdivision. Alam ko to. Habang nagmamaneho si Xandro nadaanan niya ang isang kilalang Fast Food Chain. Aba punuan pa rin sa branch na ito, ang dami talagang kumakain rito tuwing mapapadaan ako. Nang marating niya ang isang gasoline station, nagpasya siyang magpagasolina dito. Maganda at mabilis ang serbisyo kaya nakaalis agad si Xandro. Nang marating na ni Xandro ang address ay agad siyang nag-doorbell. Nagustuhan ni Xandro ang kulay ng pintura ng bahay na pinuntahan niya. Maya-maya lang ay lumabas ang isang magandang babae. "Magandang umaga ho, delivery lang po."
"Iyan na ba 'yong refrigerator saka washing machine na binili