V

              Pagkalabas ng bahay ay agad namang nagmaneho si Xandro pabalik.  Tuwang-tuwa siya na nagawa niya nang maayos ang trabaho niya at mukhang natuwa pa nga sa kanya ang mag-ina kanina.  Sa tuwa niya ay hindi niya agad napansin ang papatawid na mama.  Mabuti na lang at agad naman siyang nakapagpreno at hindi niya nasagasaan ito.  Dali-dali siyang bumaba matapos maitabi ang sasakyan.  Nilapitan agad niya ang nahintakutang lalake na nakatalikod sa kanya.  Dahan-dahan itong humarap sa kanya at