artista sa sini, baka naman may hidden camera ka dyan ha?" biro nito.
"Naku hindi, ganito lang talaga hitsura ko mana raw kasi ako sa nanay kong Amerikana."
"Kaya naman pala.."
"Pakipirmahan na lang po ito sandali m'am," sabi ni Xandro . "O sigi akin na at nang mapirmahan ko na dito ba ha?"
"Opo diyan nga po."
Matapos mapirmahan ang delivery receipt ay nagpaalam na si Xandro sa mag-ina. "Pa'no po, aalis na po ako at ng makabalik na ako sa tindahan."
"Sigi salamat sa paghatid sa TV," sabi ng nanay at ng anak nito.