nagulat si Xandro sa nakita, kamukhang-kamukha ito ng Tito Eric niya.  "Tito Eric, ikaw ba 'yan ha?"
           "Xandro ikaw na ba yan?"  tanong agad ng mama.
          "Opo ako po ito, muntik pa kitang masagasaan pasensya na," sabi ni Xandro habang inaakay sa may sidewalk ang nawawalang tito.
          "Ikaw na ba talaga to Xandro, ang laki-laki mo na," sabi nito habang niyayakap ang pamangkin. "Pasensya ka na talaga iho hindi ko talaga sinasadyang iwanan ka noon."
           "Alam ko naman po iyan, dati pa inisip ko na baka may masamang nangyari sa inyo kaya hindi na kayo nakabalik."
           "Parang ganon nga ang nangyari halika muna at magmerienda sandali at nang maipaliwanag ko sa iyo ang lahat."
           "Naku h'wag po muna ngayon kailangan ko pa kasing ibalik ang