bahay ng Tito Eric niya si Xander.  Kaya muli siyang lumipad nang pagkabilis-bilis patungo sa magiging bago niyang tahanan.  Pagkatapat ni Xander sa may bintana ng kwarto nina Eric, napansin niyang nakangiting pinagmamasdan siya nito, kaya tumigil siya sa paglipad at tumayo paharap sa Tito Eric, binati niya ito sa pamamagitan ng pagngiti at pagyuko ng bahagya ng ulo niya.  Tapos ay lumipad muli paitaas papuntang attic at dahan-dahang lumipad papasok sa nakabukas na pintuan nito.  Pagkalapag na pagkalapag niya sa sahig ay napansin niyang muling lumitaw ang dalawang mga paa niya mula sa laylayan ng kanyang suot na pantalon. Sumigaw siya nang marahan, "Xander!" Bumalik agad sa dating gupit niyang crew cut ang kanyang buhok at lumitaw uli ang kanyang maiksing balbas.