"Oo naman, kaya kung may pambili nga lang ako eh bibigyan kita ng marami niyan, " dagdag pa ng bata habang tinitingnan ang kausap.
                Maya-maya ay may biglang lumapit na isang malaking mama at tinanong
ang batang babae.  "Ikaw ba ang apo ng mga bumibili ng ticket ng train ha?" tanong nito sa batang babae.
                "Opo baket?" 
                "Kung ganon ikaw si Althea." biglang kinaladkad ng mama ang batang babae papalayo.  Napasigaw ang batang babae subalit agad tinakpan ng isang kamay ng mama ang kanyang bibig habang ito ay papalayo.
                Nagulat ang batang lalake sa nangyari pero agad niya itong hinabol ng hinabol at nang maabutan niya ito ay agad niya