mama ng mga mapupulang rosas kasi mahal niya mama ko." 
               "Ah ganon pala 'yon, baket naman mahal ng papa mo ang mama mo ha?" tanong pa ulit nito.
               "Eywan kasi siguro dahil
mabait ang mama saka maganda pero wala na rin silang dalawa ngayon kinuha na ni Lord kaya sasama na ako kina lolo at lola papuntang America, ayon nga sila o bumibili ng ticket ng train, pupunta kasi kaming Maynila eh."
                "Eh di marami ka ring matatanggap na rosas ngayon no," sabi ng batang lalake.
                "Ha baket mo naman nasabi 'yan ha?" 
                "Sabi mo kasi pag maganda at mabait binibigyan ng rosas, kaya malamang makatanggap ka rin ng marami niyan ngayon." 
                "Ha ako maganda?" medyo nagulat na tanong ng batang babae.