itong sinipa mula sa likuran.  Natumba agad ng ganon-ganon lang ang mama tapos hinatak agad ng batang lalake ang bagong kakilala papalayo sa masamang lalake.  Takot na takot pa rin ang batang babae  sa nangyari sa kanya.
 "Salamat ha mabuti na lang niligtas mo ako, saka ang galing mo naman isang sipa mo lang tumba agad ang masamang taong 'yon, nakakabilib ka naman, karatista ka siguro ano?" 
              "Hindi naman... nachambahan ko lang siguro kaya bumagsak agad nang masipa ko kanina," nahihiyang pag-amin ng batang lalake.  
              "Sino ba iyang kausap mo Althea ha, saka baket parang umiiyak ka ng kunti ha ano bang nangyari?" tanong ng kadarating na lola ng batang babae na tila walang alam sa nangyari dahil sa bilis ng pagkakaligtas na ginawa ng batang lalake.