ni papa?" tanong ng magandang babae.  Pinapasok naman agad ng babae si Xandro. "Dito mo ilagay ang refrigerator." sabay turo sa gilid ng kusina.  
           Inilagay naman agad ni Xandro ang buhat-buhat na refrigerator.  Matapos ay lumabas para kunin ang Washing machine.  Pagkabalik niya itinuro naman agad ng magandang babae ang isang pintuan palabas ng bahay sa likuran.  Kinarga agad ni Xandro ang Washing Machine at inilagay sa sahig.  Maganda pala talaga ang bahay nila, maski ang likuran ng bahay maganda rin ang pagkakagawa at pagkakapintura.
          Tapos niyaya na siya muli ng babae sa loob ng bahay.  "Ang lakas-lakas mo naman pala, parang ang gaan-gaan  lang ng binubuhat  mo ah, naggi-gym ka ba palagi, ha?" tanong ng magandang babae habang pinapaupo si Xandro sa may salas.
          "Hindi naman push-up push-up lang sa umaga, ganon lang,"