kitang magsimba at date tayo pagkatapos. Saan mo ba gustong magpunta ha?"
Tumawa lang din si Althea. "Talaga hindi ka tinatablan ng Holy Water, mabuti na lang at nagbaon din ako nito." sabay buhos ng vinegar kay Xander.
"Aray ko! Ang hapdi ng mga mata ko, ikaw talagang babae ka kung hindi lang talaga kita mahal malilintikan ka talaga sa 'kin!"
"Ano kakagatin mo ako... d'yan ka na nga!" sabay talikod kay Xander.
"Sandali lang mahal, may lumpia ka ba riyan ha?" nakangising tanong ni Xander kay Althea.
"Baket mo tinatanong kong may lumpia ako, okey ka lang?"
"Binuhusan at binigyan mo na kasi ako ng sawsawan,