sagot ni Xandro.
          "Ah kaya pala malaki katawan mo."
          "Siguro... oo baka nga," sagot naman agad ni Xandro
          "Nagba-basketball ka ba?" tanong ulit ng magandang babae.
          "Baket?  Oo paminsan-minsan."
          "Matangkad ka kasi saka guapo, bagay kang maglaro sa PBA.  Tiyak sa guapo mong 'yan marami ka agad magiging fans."
          "Talaga, saka hindi naman ako ganon katangkad 6'2" lang ako."
         "Pwedeng-pwedeng na 'yan ang iba nga riyan 5'7" lang pasok na agad.  Nasa galing mo 'yan wala sa height. Saka pwede ka ring artista, mag-punta ka kaya sa GMA 7 malay mo ma-discover ka at kunin kang action star.  Bagay na bagay sa tindig mo ang maging isang action star tiyak pagkakaguluhan ka agad."