nginitian siya ng kunti.  Kaya lalong pinagbuti ni Xandro ang pagbuhat sa tv at agad na ikinarga sa van.  
          "Dahan-dahan ha baka magasgas 'yan," bilin ng lalakeng customer kay Xandro.  "Ihatid mo na lang iyan sa address na ito okey."
          "Opo malapit lang pala ang sa inyo, alam na alam ko ang lugar na ito kaya huwag kayong mag-alala at maihahatid ko agad ito."
          Nang makaalis na ang customer ay umakyat agad si Zandro sa Ford Delivery Van para magmaneho.  Tuwang-tuwa siya na may trabaho na agad siya kahit at may sapat pang sweldo. Bago siya makaalis ay napansin niyang tinitingnan siya ni Veronica at parang kinukurot si Lynette sa may tagiliran at parang tinutukso sa kung ano.  Nahawa na rin si Xandro sa ngiti ni Veronica kahit hindi naman niya alam ang dahilan.  Maingat siyang nagmaneho sa