kaya walang magawa si Xandro kundi maupo nang maupo at hindi niya mapigilan ang sariling tingnan si Lynette habang nagko-computer at kapag tumitingin ito sa kanya ay umiiwas siya nang tingin at medyo nangigiti ng kunti na parang bata.  Sa pakiramdam ni Xandro ay magaan na magaan agad ang loob niya kay Lynette kahit hindi pa naman niya ito masyadong nakakausap.
          Ilang sandali lang ay tinawag agad si Xandro ng Saleslady at may ipinagbilin. "Ikaw bagong driver dito di ba, pakikarga nga itong  
Tv sa Delivery van kasi nabayaran na ito ng customer, kausapin mo na lang kung saang address mo siya ihahatid, okey," bilin ng saleslady kay Xandro.
          Matapos ituro kung alin ang kakargahing tv ay agad itong binuhat ni Xandro palabas ng tindahan, subalit bago siya makalabas ng pintuan ay sinulyapan niya ulit si Lynette, napansin siya nito at