may kalsada, sinadya niyang sundin lahat ng mga traffic signs dahil ayaw niyang mapahiya kung saka-sakali sa bagong boss niya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho hanggang sa marating niya ang address ng customer.
Matapos ay nag-doorbell siya at agad na lumabas ang isang bata. "Ma andito na bagong tv natin, labas ka na riyan. Sigi pasok mo na sa loob ng bahay mama ng makapanood na ako agad," sabi ng tuwang-tuwang bata kay Xandro.
"Tabi ka ng kunti para maipasok ko na to, sandali saan ko ba to ilalagay ha?"
"Dito lang sa lumang tv rack namin, sigi ilapag mo diyan," bilin ng bata. "Marunong ka bang magkabit ng antenna, wala pa kasi ang mga kuya."
"Oo naman sandali at ikakabit ko lang sa may likuran."