nang kanina, nang makita kitang nalaglag mula sa sinasakyan mong eroplano," paliwanag pa muli nito.
             "Ganon ba, ang ibig mo bang sabihin  ay ganyan... ganyan ka na lang kaganda palagi, buo ka at hindi na muling mapuputol sa harapan ko?" nagmamadaling tanong ni Henry.
             "Baket, mahuhulog ka pa bang muli, mula sa iyong  eroplano?" sagot agad nito.
              "Ah hindi, last na talaga 'yon, basta pangako mo hindi ka na ulit mahahati ha."
               "Oo."
               "Peksman?" 
               "Oo sabi eh, ang kulit mo naman."
               "Baket ayaw mo ba sa makulit, ha?" 
               Tiningnan at nginitian lang siya ng magandang babae.