"Sandali, ano nga palang pangalan mo, ha?"
"Annabelle, ako si Aryanna," pagpapakilala nito.
"Ang ganda-ganda pala ng pangalan mo, parang ikaw maganda rin. Siyanga nga pala, may ibang mga kasama ka pa ba rito?" tanong muli ni Henry habang inaalam kung anong oras na sa kanyang relo.
"Hindi, ako lang mag-isa dito, matagal na."
"Ibig mong sabihin tayong dalawa lang ang nandito?"
"Oo," sagot naman agad ni Aryanna.
"Nakakatakot naman..." pabulong na biro ni Henry.
"Halika, pasok tayo sa bahay mo," anyaya ni Henry sa may-ari ng malaking bahay na puti na pininturahan gamit ang isang mapagkakatiwalaang brand ng pintura.