Henry habang umuupo sa harap ng babae.
"Hindi naman talaga ako kumakain ng tao, poro prutas lang at mga alaga kong manok at baboy ang kinakain ko araw-araw," paglalahad ng magandang babae.
"Talaga... kumakain ka ng manok at baboy?" tanong ng nakasuot ng mamahaling jeans na si Henry.
"Oo, pero bago ko ito kainin ay sinisiguro kong lutong-luto na ang mga ito at masarap ang pagkakatimpla. Nilalagyan ko pa nga ng paborito kong seasonings para siguradong masarap na masarap," nag-aalangang biro ng babae habang nakatingin sa mukha ni Henry.
"Ah... mabuti naman pala kung ganon at ligtas na ako."
"At huwag kang matakot dahil hindi rin napuputol ang katawan ko tuwing kabilugan ng buwan, nangyayari ito kung wala na akong ibang mapagpilian at kung talagang kailangan lang tulad