nakababata kong kapatid na lalake. Mahilig sa Knorr Sinigang 'yon kaya tiyak magugustuhan din no'n ang luto mo Aryanna."
"Sigi ingat ka sa pagbaba mo sa bundok, basta sa hapon ay aasahan kong nandito ka na, maghihintay kami sa pagbabalik mo," paalala ni Aryanna.
"Ba-bye na anak, aalis na si daddy..." paalam nito sa anak sabay halik sa pisngi nito.
Mga ilang oras pagka-alis ni Henry ay may mga nararamdamang mga kaluskos si Aryanna sa paligid ng bahay nila. Sumilip siya at nabatid niya na malapit nang dumating ang araw na kinatatakutan niya.
"Kuya ang ganda pala nitong bahay niyo ah ang laki kahit nasa itaas ng bundok nakatayo," pansin ng nakababatang kapatid ni Henry.