"Buti't nagustuhan mo ang lugar namin, maganda rito malawak ang lugar at presko ang hangin," sagot nito sa kapatid. "Aryanna! Andito na ako, asan ka ba ba't hindi mo ako sinasalubong gaya nang ginagawa mo palagi tuwing dumarating ako mula sa bayan?"
"Pasensya na may ginagawa kasi ako sa loob ng bahay," sagot ni Aryanna habang panay ang tingin sa palibot ng kanilang bahay. "Dali, pumasok na agad kayo sa loob ng bahay Henry."
"Ito nga pala ang nakababatang kapatid ko Aryanna."
"Kumusta..." bati ng kapatid ni Henry na nakasuot ng isang kilalang brand ng jeans.
"Dalian niyo na pasok na kayo sa loob ng bahay," nagmamadaling utos ni Aryanna sa dalawa.
Pagkapasok ng tatlo sa loob ng bahay, "May problema ba, ba't mukhang alalang-alala ka Aryanna, ha?" mabilis na tanong ni