Makalipas pa ang isa at kalahating-taon lalong lumusog at gumuapo ang batang lalakeng pinangalanan nina Henry at Aryanna ng Xander.  "Xander aalis muna ang daddy ha at bababa lang muna ako sa bayan para ibili ka ng Baby Oil, Baby Powder, gatas at mga Baby Clothes, gusto mo nang mga 'yon no..." sabi ni Henry.
         "Bumalik ka agad Henry, baka mamaya hanapin ka agad ni Xander alam mo namang hindi mapakali ang anak natin pag hindi ka niya nakikita," paalala ni Aryanna na gumagamit ng mabangong sabong panlaba tuwing lalabhan niya ang mga damit ni Xander.
          "Baka ang ibig mong sabihin ay ikaw ang hindi mapakali pag nawawala ako nang matagal sa tabi mo, ha," biro ni Henry sa babaeng mahal niya. "Huwag kang mag-alala at babalik agad ako kinahapunan at saka isasama ko rin sa pagbabalik dito ang