mga manananggal, ilang sandali lang at nawalan na rin ito ng buhay. Kitang-kita ng kapatid ni Henry ang lahat ng kahindik-hindik na mga pangyayari. Takot na takot siya at hindi malaman kung anong gagawin. Hawak-hawak pa rin niya ang batang si Xander. Napansin niyang umiiyak ito habang pinagmamasdan ang mga nangyari sa kanyang mga magulang. Ilang sandali lang ay napansin ng isang manananggal ang pinagtataguan nina Xander at dali-dali itong lumipad patungo sa kinalalagyan nila.
Nabitawan ng kapatid ni Henry si Xander sa sobrang takot nito sa papalapit na manananggal.
Patuloy na umiiyak ng tahimik ang batang si Xander habang pinagmamasdan ang papalapit na manananggal, handa nang lapain silang dalawa.
Biglang sumigaw ang batang si Xander, "Xander!"