Umakyat agad sa itaas ng bahay ang kapatid ni Henry, at mula sa pinagtataguan nila ni Xander ay natatanaw niya ang kapatid  
na si Henry at si Althea. Maya-maya ay nakarinig sila ng mga kaluskos sa bubungan at kalabugan sa kung saan-saang bahagi ng bahay. At bigla na lang nagpasukan ang mga nakakatakot at masasamang aswang at manananggal.
            "Maawa kayo, ako na lang ang patayin niyo, huwag niyo nang idamay ang asawa ko..." pakiusap ni Aryanna sa napakaraming mga manananggal.  Subalit hindi siya pinakinggan at agad na nilusob ng isang mananggal. Mabilis namang sumaklolo si Henry para ipagtanggol ang asawa subalit agad siyang sinakmal sa leeg ng isang mananggal, natumba agad si Henry habang pilit na inaabot ang mga kamay ni Aryanna.  Hanggang sa malagutan na ito ng hininga. Tapos si Aryanna naman ang pinagtulungang kagatin ng