Nagulat ang kapatid ni Henry sa nasaksihan kay Xander, mula sa kanyang kinalalagyan. Biglang naging kalahati ang katawan ng bata habang bahagyang nakaangat ito sa sahig. Umangat pa ito ng umangat nakita niyang may kung anong green na liwanag na lumabas mula sa harapan ng bata. Gumalaw at tumama sa papalapit na manananggal. Nasunog at nalusaw kaagad ito. Matapos ay sabay-sabay na nagdatingan ang napakarami pang mga aswang at manananggal. Subalit agad na lumabas muli ang green na liwanag mula sa harapan ni Xander. Isa-isang tinamaan ang mga aswang at manananggal at isa-isa rin itong nasunog at nalusaw. Maya-maya lang ay naubos agad ang mga aswang at manananggal, napatay silang lahat ng nag-iisang si Xander. Maya-maya ay nagliyab na ang buong bahay na naging saksi sa kahindik-hindik na mga pangyayari.