Maya-maya ay dahan-dahang lumapit sa kanya ang babae.
"Huwag kang lumapit sa akin, huwag!" napaatras si Henry nang napaatras at pagkatapos ay biglang kumaripas nang takbo palayo sa napakagandang manananggal. Tumakbo siya nang tumakbo nang hindi lumilingon, hindi niya alam kung saan siya tutungo. Malayo-layo na ang natatakbo niya gamit ang kanyang bagong sapatos. Takot na takot siya sa kanyang nasaksihan. Tumakbo pa siya nang tumakbo hanggang sa dahan-dahan na siyang napagod, natumba at napaluhod. Sa di-kalayuan ng kinaluluhuran niya ay nakita niya ang umaapoy, nagkalasug-lasog at nagkahiwa-hiwalay na mga bahagi ng kanyang maliit na eroplano. Hingal na hingal pa rin siya sa kakatakbo kanina habang pinagmamasdan ang natira sa kanyang eroplano. Maya-maya nang unti-unti nang mawala ang kanyang nararamdang pagod ay napaisip siya ng malalim. Kung hindi ako iniligtas ng babaeng iyon ay