marahil naging katulad na rin ako ng umaapoy at nagkaputol-putol kong eroplano. 
           Baka naman hindi talaga siya masama, baka may dahilan kung baket ako napadpad sa lugar na 'to. Tumayo siya at nilingon ang kanyang pinagmulan.  Dapat kong balikan ang babaeng 'yon para man lang mapasalamatan ito sa pagkakaligtas niya sa akin sa tiyak na kapahamakan.  Naglakad siya pabalik, binilisan niya ang paglalakad kahit medyo natatakot pa rin siya sa kung anong pwedeng mangyari sa oras na magkaharap silang muli. Nang malapit na siya sa malaking bahay ay nakita niya ang babae, nakaupo sa harap ng pabilog na mesa at umiiyak habang nakatungo ang ulo nito. Pinagmasdan muna niya ang babae at ang buong kapaligiran tapos ay dahan-dahan niya itong nilapitan.  Napansin agad siya ng babae, pilit nitong itinigil ang kanyang pagtangis at pinagmasdan siyang mabuti, hindi nagsasalita.  Tumayo si Henry sa